PRICE WATCH | Taas singil sa terminal fee sa NAIA posibleng ipataw sa susunod na taon

Bagaman at sigurado at tuloy na tuloy na, hindi pa matiyak sa ngayon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung kailan sisimulan ang pagtataas sa singil sa terminal fee ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority Media Affairs Division head, Jess Martinez target nilang ipatupad ang increase pagsapit ng second quarter ng 2019 pero hindi pa ito pinal.

Kapag naipatupad na ang dating P550 terminal fee para sa international flights ay magiging P750 na, habang ang P200 na terminal fee para sa domestic flights ay aakyat na sa P300.


Paliwanag ni Martinez gagamitin ang umento sa terminal fee sa improvement ng ating mga paliparan.

Una nang sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na kapag hindi nagpatupad ng taas singil sa terminal fee dadanas ng kakulangan sa kita ang NAIA sa susunod na 5 taon.

Sa ngayon tuloy-tuloy ang improvement sa NAIA dahilan upang mailagay ito sa ranked #10 World’s most improved airports base na rin sa 2018 World Airport Awards na isinagawa ng Skytrax na isang international air transport rating organization.

Facebook Comments