PRIDE | 5 Zamboangueńos, nakakuha ng medalya sa 29th SEA Games

186

Limang atleta mula sa Zamboanga City ang nakapag-uwi ng 3 gold medals at 2 bronze medals mula sa katatapos lamang na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nasungkit ni Eumir Felix Marcial ang gold medal sa middleweight class (75kg) category ng boxing; Chezka Centeno sa women’s 9-pool single habang nangibabaw naman si Mike Tolomia ng Gilas Pilipinas team sa kanilang laro laban sa Indonesia sa basketball finals event. Kapwa namang nakakuha ng bronze medal sina Jefferson Rhey Loon para sa pencak silat at Ryan Jakiri sa muaythai events.
Sa ngayon, inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang isang special homecoming ceremony para sa mga atleta at mga incentives nito. Makakatanggap ng P150,000 ang isang gold medalist sa Asian Games habang P100,000 naman ang isang silver medalist at P75,000 ang mga bronze medalists.
Planong isagawa ang homecoming ceremony sa September 4, Lunes pero naka-dipende pa sa availability ng mga atleta. (Original post by Sheila Covarrubias, ZC local government)

Facebook Comments