Bilang pakikiisa sa Pride Month, magsasagawa ng isang programa para sa mga LGBTQIA+ Community na may temang “Reaching Out with The Community” sa darating na ika-24 ng Hunyo 2023 na gaganapin sa Shahani Complex, Mangatarem.
Katuwang ang PNP Force Multipliers at Advocacy Group Provincial LGBTQIA+ Sector sa nakatakdang pamamahagi ng Libreng Haircut/Hot Oil, Free Zumba at Feeding program sa mga kababayan natin sa Mangatarem.
Layunin ng nasabing aktibidad na manaig ang pagmamahal, pagtanggap, at pagiging buklod – buklod para sa anumang kasarian.
Sama – sama tayong bumuo ng isang lugar kung saan ang pag-ibig ay walang hangganan, kung saan ang boses ng lahat ay naririnig, at kung saan ang pagtanggap ay malayang ibinibigay. |ifmnews
Facebook Comments