PRIDE | Paglalahad ng ibang showbiz personality sa totoo nilang katauhan, dapat suportahan

33

Manila, Philippines – “Dapat suportahan”.

Ito ang sinabi ngayon ng socialite at TV personality na si Tim Yap sa ilang mga personalidad na naglaladlad na ng kanilang tunay na katauhan.

Nabatid kasi na kamakailan ay may ilang mga personalidad na naglahad na kanilang sexual orientation kabilang na rito ang singer-actor na si Mark Bautista at ang ex-girlfriend ni Sam Milby na si Mari Jasmine.

Ayon kay Tim, nagpapakatotoo lamang daw sila kaya at nararapat na respetuhin at suportahan sila sa kani-kanilang naging desisyon.

Wala din naman problema sa ilang kapwa nila showbiz personality dahil alam nila kung sino at kung ano ang totoo.
Sa huli, sinabi pa ni Tim na hindi madali ang pinagdadaanan ng ilang mga nasa LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer) community kaya at nararapat lang na respetuhin sila bilang tao.

Facebook Comments