PRIMARK PALENGKE, SARADO NGAYONG ARAW

15

Cauayan City, Isabela- Nagsasagawa na ng disinfection ang mga kawani ng BFP Cauayan City sa Primark Palengke ngayong araw ng Miyerkules, April 14, 2021.

Una nang naglabas ng Executive Order No. 37-2021 si Mayor Bernard Dy na pansamantalang isasara ng isang araw ang Primark Palengke upang bigyang daan ang isasagawang disinfection.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Edwin Asis, Asst. Head ng binuong Clearing Task Force sa Lungsod ng Cauayan, nagsimula kaninang alas 8:00 ngayong umaga ang pagdidisinfect sa palengke habang nakabantay naman ang mga tauhan ng POSD at Cityhall sa pamilihan.

Sinabi ni Ginoong Asis na nakapagtala ng hawaan ng COVID-19 sa loob ng palengke kaya’t minabuti na ng lokal na pamahalaan na pansamantala munang hindi bubuksan ng isang araw para sa disinfection.

Nananawagan naman ito sa publiko na sumunod sa mga ipinapatupad na protocol upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19 at hindi na madagdagan ang bilang ng mga nagpopositibo.

Kaugnay nito, hiniling din ni Asis ang tulong ng kapulisan sa pag-iimplimenta ng mga protocols sa Lungsod upang agad aniyang mahuli ang mga taong lumalabag sa mga panuntunan.



Facebook Comments