Friday, February 6, 2026

Primary suspect sa pagpaslang sa pulis na nilagay sa septic at 2 pang iba pa, boluntaryong sumuko sa pulisya

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang primary suspect sa pagpaslang kay Police Senior Sgt. Renato Casauay Jr. na nilagay sa isang septic tank sa Bulacan.

Si Julian Salamat ay sumuko sa Tagum City Police sa Davao Del Norte noong Miyerkules ng umaga.

Kung saan ang nasabing suspek ay nahaharap sa kasong murder .

Samantala, 2 pang suspek ang ang boluntaryo ring sumuko sa pulisya.

Si alyas Egoy/Echo ay sumuko noong Miyerkules sa Brgy. Poblacion, Alicia , Isabela habang si alyas “Marvin” ay sumuko naman noong Martes mismo sa Malolos City Police Station.

Sa ngayon, apat pa na mga suspek ang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Facebook Comments