Ipagkakaloob mamaya ng University of the Philippines kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang Doctor of Laws, Honoris Causa.
Kasabay ito ng dalawang araw na Official State Visit ng Punong Ministro ng Malaysia sa Pilipinas.
Pangungunahan ni UP President Angelo Jimenez ang paggawad ng naturang pagkilala na gagawin sa UP Diliman Campus.
Ang pagbibigay ng parangal kay Ibrahim ay dahil sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman nito tungkol sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal, ekonomiya, demokrasya, pamamahala sa gobyerno at pagsusulong ng karapatan ng Islam.
Si Ibrahim ay dumating na kahapon sa bansa at mamayang umaga ang nakatakdang pagtungo niya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Facebook Comments