
Bibisita sa Pilipinas si Singapore Prime Minister Lawrence Wong simula June 4 hanggang June 5.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang Pilipinas ang unang bilateral visit ni Wong matapos ang kaniyang reppointment noong Mayo.
Ito rin ang kaniyang introductory visit sa Pilipinas kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at PM Wong patungkol sa usapin ng kalusugan, climate change mitigation, civil service cooperation, at usaping politikal at ekonomiya sa rehiyon.
Nabatid na ang Singapore ang ika-walong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong 2024 at kasalukuyang tahanan ng nasa 220,00 na Pilipino.
Facebook Comments









