Prime suspect sa pagkamatay ni Atio na si John Paul Solano, hindi pa lusot sa batas

Manila, Philippines – Hindi pa rin lusot ang prime suspect na si John Paul Solano sa kaso ng pagkamatay sa hazing ni Atio Castillo III sa kabila ng paglaya nito kanina.

Naniniwala si Kabayan Rep. Harry Roque na madidiin pa rin si Solano sa kaso ng pagkamatay ni Castillo.

Ayon kay Roque, hell bound si Solano dahil hawak nito ang detalye sa pagkamatay ng UST law student.


Hindi umano maaaring magtago ito sa alibi na tinawagan lamang ng mga ka-frat para bigyan ng atensiyong medikal si Atio at dalhin ito sa ospital.

Hindi rin aniya ito makakalusot sa katwiran na nautusan lamang ng mga ka-frat na magsinungaling sa kung saan natagpuan si Atio.

Sinabi ni Roque na ang mga argumentong ito ni Solano ay nagpapatunay lamang na bahagi ito ng conspiracy para itago ang isang kaso ng murder.

Facebook Comments