Prince Harry, aminadong magkaiba na ang landas nila ng kanyang kuyang si Prince William

133

Ibinunyag ng Duke of Sussex na si Prince Harry na mayroong ‘occasional tension’ sa relasyon nilang magkapatid na si Duke of Cambridge na si Prince William.

Aminado si Prince Harry na may mga bagay silang hindi napagkakasunduan ng kanyang kuya William lalo na at parehas silang may high-profile roles sa Royal Family.


Aniya, hindi na sila masyadong nagkikita dahil sa busy schedule pero mahal nila ang isa’t-isa.

Bagamat magkaiba ang kanilang tinatahak na landas, mananatili pa ring silang magpakapatid.

Naging matibay ang sibling relation ng dalawang Duke matapos mamatay ang kanilang ina na si Diana noong 1997 sa car crash sa Paris, France.

Facebook Comments

From Advertisers