Muling isinugod sa ospital ang asawa ni Queen Elizabeth na si Prince Philip ang Duke of Edinburg matapos sumama ang pakiramdam.
Nabatid na taong 2011 ng operahan si Prince Philip dahil sa pagbara ng ugat sa bahagi ng kaniyang puso.
Nagkaroon din ng bladder infection si Prince Philip noong taong 2017 habang dumanas din ito ng hip replacement operation noong 2018.
Matatandaan na nito lamang Enero ay bumangga naman ang kaniyang range rover na sasakyan sa Sandringham Estate.
Ayon sa Buckingham Palace – galing sa Norfolk si Prince Philip na agad idiniretso sa King Edward VII Hospital sa London dahil na rin sa payo ng kaniyang mga doctor na manatili nalang sa ospital sa edad na 98-anyos.
Samantala, nilinaw naman ng Buckingham Palace na hindi gaano kalala ang lagay ni Prince Philip dahil kaya pa nitong makapaglakad.