PRINCESS URDUJA, INSPIRASYON SA CREATIVE COSTUME COMPETITION NG MISS UNIVERSE PHILIPPINES PANGASINAN

Nagningning ang ganda ng dalawampung kandidata ng Miss Universe Philippines – Pangasinan sa naganap na Charity Gala Night noong January 17, 2026 kung saan inirampa nila ang kanilang mga creative costumes.

Naging inspirasyon at tema ng mga creative costume si Princess Urduja, ang legendary warrior princess sa Pangasinan folklore.

Lumabas ang pagkamalikhain ng mga Pangasinense sa bawat creative costumes na inirampa ng mga kandidata mula sa kani-kanilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa gitna ng mahigpit na laban sa naturang creative costume competition, napiling Top 5 sina Honey Tobias ng Rosales, Brev Luisa Posadas ng Urdaneta City, Donna Rein Nuguid ng Dagupan City, Rose Ann Cariño Albania ng San Carlos City, at Louise Vergara ng San Manuel.

Samantala, excited na rin ang karamihan sa nalalapit ng coronation night sa January 24, 2026 kung saan ang hihiranging panalo ay magiging kinatawan ng Pangasinan sa national pageant na Miss Universe Philippines 2026.

Facebook Comments