
Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 13 (PDEA RO 13) at Tagbina Municipal Police Station sa isinagawang anti-drug operation ang isang public school Principal sa Purok 3, San Jose, Barangay Poblacion, Tagbina, Surigao del Sur.
Ang nasabing suspek ay 45 taong gulang, residente ng nasabing lugar at kasalukuyang nasa serbisyo bilang District 1 School Supervisor Principal III.
Nakumpiska sa kanya ang 2 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng 6,800 pesos.
Ayon sa ulat, bago pa isinagawa ang nasabing operasyon ay matagal nang minamatyagan ito ng mga awtoridad para kumpirmahan ang kanyang pagkakasangkot sa ilegal na droga sa lugar.
Sa ngayon siya ay nasa kustodiya na ng Tagbina MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










