Principal ng isang Catholic School natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay

57

Kalibo, Aklan – Nasa advance state of decomposition na ang bangkay ng isang principal ng matagpuan ito kanina sa loob ng kanyang bahay sa Peraz Ville Subdivision, New Buswang Kalibo, Aklan.
Kinilala ang biktima kay Rey Delos Reyes, 58- anyos native ng San Andres, Pandan, Antique retired principal ng Aklan Catholic College High School Department at kasalukuyan ng nakatira sa nasabing subdivision.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, napansin at may naamoy na mabaho ang mga kapitbahay nito galing sa loob ng bahay ng biktima.
Agad silang tumawag at humingi ng assistance sa barangay at agad namang nag responde si Kagawad Lionedes Ismael kung saan pinasok nila ang bahay at doon nakita na patay at nakahiga ang biktima sa kanyang kama.
Tumawag rin sila ng SOCO at nag process sa crime scene kung saan wala naman silang nakitang merong foul play sa pagkamatay ng biktima. Kompleto rin ang mga gamit nito at suot pa nya ang kanyang relo.
Napag-alaman na na-stroke ang biktima at naka recocer na ito. Maliban pa meron itong high blood at sakit sa puso na isa sa mga pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nagpag-alaman rin na merong helper ang biktima at noong Hunyo 15 ay nakatawag pa ang biktima sa kanya, pero pagkatapos noon ay hindi na ito nakatawag ulit at ng tawagan ito ng kanyang helper ay dina ito sumasagot.
Nasa pangangalaga na ng isang punerarya ang bangkay ng biktima.
#TatakRmn

Facebook Comments