Pringle, Standhardinger, pinangunahan ang 24-man pool ng 2019 Sea Games

73

Ipinasa na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) ang 24-man basketball pool na sasabak sa 2019 Sea Games.

Inanunsyo ng SBP ang apat sa mga ito kabilang na sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger nitong Martes.


Ayon kay SBP President Al Panlilio, hindi pa pinal ang napili nila dahil extended ang pagpapasa ng mga pangalan hanggang September 30.

Dagdag pa ni Panlilio, nakadepende sa bagong coach kung sino ang isasama nito para makapaglaro sa nasabing torneyo.

Samantala, handa naman si naturalized player Stanley Pringle na tulungan ang national team kung sakaling hingin ang kanyang tulong.

Facebook Comments

From Advertisers