Printing at delivery ng National ID, pinamamadali ni Senator Lacson

Pinagpapaliwanag ni Presidential Aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa napakabagal na delivery ng National ID cards.

Ayon kay Lacson, maraming netizens ang nagtatanong sa kanya kung ano ang sanhi ng matagal na delivery ng National ID cards.

Mismong si Lacson ay inabot ng halos isang taon bago natanggap ang kanyang PhilSys card matapos siyang mag-register dito noong Pebrero 4, 2021.


Inimungkahi din ni Lacson sa PSA na paigtingin ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa proseso ng pagkuha ng National ID.

Marami kasi ang nagtatanong kay Lacson, kabilang na ang Overseas Filipino Workers (OFW), kung saan at paano mag-apply para makakuha ng ID cards.

Paliwanag ni Lacson na mahalaga ang pagkakaroon ng National ID para mapadali ang access sa mga serbisyo mula sa pampubliko at pribadong sektor nang hindi na kinakailangan na magdala ng maraming ID cards.

Diin pa ni Lacson, ang pagkakaroon ng National ID ay isang instrumento para malabanan ang krimen at korapsyon at makatutulong din sa mas maayos na pagkolekta sa buwis.

Facebook Comments