
Matatapos din ngayong araw ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa final testing and sealing ng nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.
Sa panayam ng DZXL-RMN Manila kay Commission on Elections o Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, walang naging problema sa printing na kasisimula lang ngayong araw.
Aniya nasa kabuuang 44,993 ang iiimprentang balota ngayong araw.
Kinabibilangan ito ng 34,610 na balota para sa final testing and sealing.
Nasa 10,383 naman para sa Pre-election logic and accuracy test o PRELAT ballot na ginagamit para i-test ang lahat ng Automated Counting Machine o ACM.
Samantala, tiniyak ni Laudiangco na tuloy na tuloy na ang BARMM election sa Oktubre 13.
Facebook Comments









