Manila, Philippines – Itutuloy ng Commission on Elections ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa Barangay at Sangguaniang Kabataan elections.
Ito ay sa kabila ng napagkasunduan ng mga kongresista na ipagpapaliban muna ang Barangay at SK elections at isasabay na lamang ito sa plebisito para sa ‘Cha-Cha’ o pag-aamyenda sa Kontitusyon at sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, kinakailangan pa kasi ng batas para sa muling pagpapaliban ng Barangay at SK elections.
Pero dahil wala pang batas hinggil ditto, uumpisahan na ang paglilimbag ng mga balota bukas.
Giit ni Bautista kailangang ituloy ang pag-iimprenta ng mga balota dahil kung hindi magagahol sa oras at kukulangin ang preparasyon nila saka-sakali mang matuloy ang Barangay at SK elections sa buwan ng Oktubre
Una nang inamin ng COMELEC na aabot sa isang bilyong pisong pondo ng poll body para sa pag-imprinta ng mga balota ang masasayang kapag inaprubahan ng Kongreso ang panukalang election postponement.