Printing ng mga balotang gagamitin sa 2022 elections, target simulan ng COMELEC sa Enero 17

Target ng Commission on Election (COMELEC) na simulan sa Enero 17 ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa May 2022 election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, naghahanda na sila para magsagawa ng walkthrough ng National Printing Office (NPO) sa Enero 15.

Maliban dito, target din nila matapos sa Enero 15 ang pinal na listahan ng mga kandidato.


Tiniyak naman ni Jimenez na ang mga balota ay ilalagay sa kanilang website.

Samantala, aabot sa 223 aplikasyon ang natanggap ng COMELEC para sa gun ban exemption na nagsimula nitong Enero 8.

Sa nasabing bilang, 38 na ang naaprubahan na at 74 ang hindi napaburan.

Kabilang sa mga nag-apply sa gun ban exemption ang 127 security detail; 53 security agencies; 21 law enforcement agencies; 10 high-risk individuals; 10 personnel na humihingi ng ‘authority and accreditation’ para sa transportasyon ng firearms at ibang controlled chemicals at dalawa sa cashiers at disbursing officers.

Facebook Comments