Inilatag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang listahan ng mga lugar sa bansa na ipaprayoridad na makatanggap ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Galvez, ang mga lugar na ipaprayoridad ay ang mga lugar na nakikitaan ng mataas na COVID-19 infections at mayroong economic at social importance.
Narito ang mga sumusunod na lugar na ipaprayoridad sa COVID-19 inoculation:
Luzon:
– Metro Manila cities
– Calabarzon
– Central Luzon
– Baguio City
– Cordillera Administrative Region
– Cagayan Valley
Visayas:
– Cebu City
– Bacolod City
– Iloilo City
– Central Visayas
– Western Visayas
– Eastern Visayas
Mindanao:
– Davao City
– Cagayan de Oro City
– Zamboanga City
– General Santos City
– Iligan City
– Davao Region
– Zamboanga Peninsula
– Northern Mindanao
Ang pagpaprayoridad ng mga bakuna sa nabanggit na lugar ay makakatulong para mapaluwag ang problema sa vaccine supply.
Maabot din aniya ang herd immunity sa mga nasabing lugar sa pamamagitan ng pagbabakuna sa 50 hanggang 60 milyong residente.