PRIORITY | BBL, Cha-Cha at Federalism, ipa-prayoridad ng senado

Manila, Philippines – Ipa-prayoridad ng senado ang Bangsamoro Basic Law, Charter Change at Pederalismo sa pagbubukas muli ng kongreso.

Mula ngayon kasi ay may tatlong linggo na lang ang 17th congress para trabahuin ang mga legislative agenda nito bago ang sine die adjournment sa June 2.

Sabi ni Senate President Koko Pimentel, kasabay ng mga priority bill ay kailangan na rin nilang simulan ang pagtalakay sa package 2 ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.


Ayon naman kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, gagawin ng senado ang lahat ng makakaya nito para tapusin ang 24 na panukala na bahagi ng priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binanggit din ni Sotto na magiging prayoridad nila ang panukalang prevention of terrorism act na magpapabigat sa parusa laban sa mga terorista.

Bukod sa mga ito, tatalakayin din ng senado ang mga panukala sa economic reforms at consumer rights kabilang na ang mga proposed amendments sa Corporation Code of the Philippines, government procurement act, budget reform act at Philippine fare discount bill.

Facebook Comments