Priority bill na pagkakaroon ng national policy at regulatory framework sa mga pasilidad na gumagamit ng waste-to-energy technologies, inisponsoran na sa plenaryo

Inisponsoran na sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill no. 2267 o ang panukala na magtatatag ng National Energy Policy at Regulatory Framework para sa mga pasilidad na gumagamit ng waste-to-energy technologies.

Ang naturang panukala ay kabilang sa priority measures ng administrasyong Marcos.

Sa sponsorship speech ni Energy Committee Chairman Senator Raffy Tulfo, tinukoy nito na humigit kumulang kalahating kilo ang basurang ipino-produce ng bawat Pilipino araw-araw at katumbas ito ng nasa 21 million metric tons ng basura kada taon.


Paliwanag ng senador, ang solid waste ay kino-convert ng waste-to-energy plants sa usable heat, kuryente o fuel na bukod sa solusyon para mabawasan ang basura ay tugon din ito sa energy supply problems ng bansa.

Kapag naging ganap na batas at tama ang implementasyon, kaya nitong bawasan ang volume ng basura ng hanggang 85 percent o katumbas ng 2,000 lbs na basura ay magiging 300-600 lbs na lamang.

Sinisiguro naman ni Tulfo na ligtas nag waste-to-energy facilities kung saan dadaan ito sa Health Impact Assessment at Environment Impact Assessment at ipinagbabawal din ang pag-emit ng toxic at poisonous fumes.

Facebook Comments