Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa lalong madaling panahon ay maipapasa ng Mababang Kapulungan ngayong 2nd regular session ng 19th Congress ang mga prayoridad na panukalang batas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sabi ni Romualdez, magagawa ito ng Kamara lalo at noong 1st regular session ng 19th Congress ay kanilang naipasa ang 31 sa 42 priority bills ni Pangulong Marcos.
Pangunahing binanggit ni Romualdez sa mga isinusulong na panukala ni PBBM ang:
• Excise tax sa paggamit ng plastic
• Pagtatag ng pension fund para sa mga military and uniformed personnel
• Pagpapadali sa pagbabayad ng buwis
• Immigration act
• Road user’s tax
Sabi ni Romualdez, bago magbakasyon ang kanilang session sa Oktubre ay una na nilang maipapasa ang mga panukalang:
• Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling,
• Amyenda sa Cooperative Code
• Tatak Pinoy
• Blue Economy