PRIORITY | Floyd Mayweather Jr., tutok muna sa negosyo at pamilya bago sumabak sa MMA

Abala muna ang US Undefeated Boxing Champion na si Floyd Mayweather Jr. sa kanyang negosyo ang pagiging investor ng isa sa pinakamataas na skycraper sa New York City.

Sinabi ni Mayweather, nakaalaan ngayon ang oras niya sa kaniyang pamilya at negosyo bago niya harapin ang pagsabak sa Mixed Martial Arts (MMA).

Mas mahalaga aniya ang nasabing investment ngayon kaysa mag-aral ng combat sports.


Matatandaang nag post ito ng video habang abala siya sa pagsasanay ng MMA.

Facebook Comments