Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang listahan ng mga sektor na kabilang sa Priority Group A4 ng COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa listahan ang mga indibidwal mula sa sektor at industriya ng transportasyon, pamilihan, manufacturing, hotels, education, media at government services.
Pasok din sa listahan ang mga opisyal at lider ng simbahan, security personnel sa mga priority sectors, mga tauhan ng telecom, cable, internet providers, electricity at water distribution facilities.
Gayundin ang mga nagtatrabaho sa law, justice, security, protection sectors at mga OFW.
Una nang sinimulan ang pagbabakuna sa mga healthcare workers, senior citizens at sa mga taong may comorbidities.