Priority list at sistema sa pagbabakuna sa A4 category, inaayos pa ng DOLE

42

Inaayos pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang priority list at sistema sa pagbabakuna sa sektor ng manggagawa na pasok sa A4 category.

Ito ay matapos sabihin ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na posibleng sa katapusan ng Mayo ay masimulan na ang vaccination rollout sa A4 o ang mga essential frontliners at A5 ang indigent population.


Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, hangga’t wala pa silang nabubuong plano, susundin pa rin nila ang guidelines ng Inter-Agency Task Force sa priority list.

Kasabay nito, nagpapalala ang DOLE sa mga kompaniya na hindi dapat tanggalin sa trabaho ang manggagawang tatangging magpabakuna.

 

 

Facebook Comments