Priority list ng mga makatatanggap ng COVID-19 vaccine, inihahanda na – DOH

Inihahanda na ng pamahalaan ang listahan ng mabibigyan ng COVID-19 vaccine sa bansa kasabay ng nalalapit na pag-arangkada ng vaccination program.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa ngayon, aasa muna ang gobyerno sa iba’t ibang master list ng mga ahensiya at Local Government Units (LGUs) kaysa hintayin ang pagpapatupad ng National ID system.

Aniya, mahalaga ang master list, hindi lang para malaman kung ilan na ang nabakunahan kundi para mabantayan din ang side effects ng mga bakuna kontra COVID-19.


Paliwanag pa ni Cabotaje, magkakaroon din ng vaccine tracker para maipakita kung ilan na ang mga nabakunahan.

Isang taong babantayan ang mga makatatanggap ng bakuna para matingnan kung magkakaroon sila ng tinatawag na Adverse Event Following Immunization (AEFI).

Batay pa sa DOH, hindi kailangan ang allergy test o swab test para mabakunahan, bagaman maaari silang maglabas ng iba’t ibang protocol para sa bawat bakuna.

Facebook Comments