Priority List para sa COVID-19 vaccination program, hindi pa pinal – Roque

26

Isinasapinal pa ng pamahalaan ang listahan ng COVID-19 vaccination program kung saan sakop ang sektor na nasa ilalim ng A4 category.

Batay sa prioritization ng COVID-19 immunization program, mauunang mabakunahan ang mga healthcare workers (A1), kasunod ang senior citizens (A2), persons with comorbidities (A3), at mga pulis at sundalo (A4).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inirerekomendang isama ang food business sectors sa A4, maging ang mga nasa transportasyon, at frontline government workers, security guards at delivery services.

Bukod dito, nais din ni Roque na isama na rin ang mga media personnel sa A4.

Tiniyak ni Roque na i-aanunsyo nila ang mga nakapaloob sa A4.

Facebook Comments