PRIORITY | PNP top priority ngayon ang pagiimbestiga sa kaso ng pagpatay sa radio broadcaster sa Albay

Iniutos na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kay Police Regional Office 5 Regional Director Police Chief Superintendent Arnel Escobal na gawing top priority ang ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay sa isang radio broadcaster sa Daraga Albay na kinilalang si Joey Llana.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, iniutos na rin ni PNP Chief Albayalde kay Escobal ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa presidential task force on media security para mabilis na maresolba ang kaso.

Direktiba rin ng Albayalde sa binuong Special Investigation Task Group ng Police Regional Office (PRO) 5 na regular na makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima upang para sa status ng kanilang ginagawang imbestigasyon sa kaso.


Kaugnay nito nagpaabot naman ng pakikiramay si Albayalde sa pamilya nang nasawing brodkaster habang kinondena naman ang ginawang pagpatay sa hard hitting media man sa Bicol region.

Matatandaang pasado alas 4:00 ng madaling araw kahapon ng pagbabarilin ang biktima nang hindi pa nakikilang suspek habang nasa loob nang kanyang sasakyan sa Daraga Albay.

Facebook Comments