PRIORITY | Social services, pangunahing paglalaanan ng gobyerno sa kanilang 2019 proposed national budget

Manila, Philippines – Nanatiling prayoridad ng gobyerno ang social services para sa 2019.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, 36 percent ng P3.757 trillion 2019 national budget ang mapupunta para sa serbisyo sa publiko gaya ng edukasyon, health care, human capital development at social protection.

Aniya, sa sektor ng edukasyon mapupunta ang pinakamalaking bahagi nito na katumbas ng P659.3 billion na mas mataas ng 12 percent kaysa sa budget ngayong taon.


Sabi pa ni Diokno, bahagi rin ng panukalang budget ang mga programa bilang ayuda dahil sa pagmahal ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law gaya ng conditional cash program, pantawid pasada program at PUV modernization program.

Aniya, 3 percent ang deficit ng panukalang budget kaya uutang ang gobyerno ng P624 billion para mabuo ito.

Pagtitiyak naman ni Diokno, makakaya pa ng ekonomiya ng bansa ang utang na ito.

Sa kabuuan, aabot na sa P8 trillion ang naipong utang ng Pilipinas.

Facebook Comments