Prison record ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, pag-aaralan ng BuCor kaugnay ng kahilingan nitong clemency

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na pag-aaralan nila ang prison record sa Indonesia ni Mary Jane Veloso.

Kaugnay ito ng hirit ni Mary Jane na mabigyan siya ng clemency para makasama na niya ang kanyang pamilya.

Ayon kay Catapang, sa ngayon nahihirapan silang busisiin ang prison record ni Mary Jane dahil nakasulat ito sa Bahasa o sa Indonesian language.


Aniya, hihingi pa sila ng English na kopya ng prison record ni Mary Jane sa Indonesia.

Kinumpirma rin ni Catapang na pinagbigyan nila ang kahilingan ng pamilya Veloso na makasama si Mary Jane sa Pasko at Bagong Taon.

Aniya, hindi lamang ang pamilya Veloso ang pinayagan nilang makasama ang nakapiit na kaanak na PDL, kundi maging ang lahat ng mga kaanak ng Persons Deprived of Liberty o PDLs.

Facebook Comments