Private armed groups mahigpit na tututukan ng PNP ngayong papalapit na ang eleksyon 2025

Pinatututukan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga potensyal na PAGs (Private Armed Groups) na posibleng magamit sa paghahasik ng kaguluhan sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, maaaring maging mainit ang 2025 midterm elections lalo na’t posibleng magkakakilala o magkaka mag-anak ang maglaban laban sa halalan.

Kaya’t kabilin-bilinan ni Gen. Marbil na tutukan ang mga PAGS na maaaring gamitin ng mga politiko sa paghahasik ng takot at gulo sa kani-kanilang lalawigan.


Samantala, sinabi ni Fajardo na bagama’t nananatiling nasa normal alert status ang PNP sa pagsisimula ngayong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), binbigyang laya pa rin nila ang mga police commander na itaas ang alert level sa kanilang nasasakupan depende sa sitwasyon.

Facebook Comments