Private engineers at accountants, tumutulong din sa imbestigasyon ng ICI sa flood control projects scandal

Bukod sa mga abogado, kabilang din sa tumutulong sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ilang private engineers at accounts.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, layon nito na matiyak na masusuri nila ng maayos ang mga ebidensyang isinumite sa kanila kaugnay ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Tiniyak din ni Hosaka na patuloy ang kanilang pakikipagpulong sa ilang ahensya ng pamahalaan para mapabilis ang kanilang imbestigasyon.

Nagpasya ang Komisyon na gawing dalawang beses na lamang sa isang linggo ang kanilang hearing para matutukan nila ang case build up.

Facebook Comments