Ikinukunsiderang kanselado na ang mga lease contract ng private entities sa mga lupa ng gobyerno dahil bahagi na ang mga ito sa ilalim ng agrarian reform program.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng campaign rally ng PDP-Laban sa Bukidnon.
Ayon sa Pangulo – ipinagbawal na niya ang anumang pag-arkila at pagkuha ng pribadong sektor sa mga lupain ng gobyerno.
Aniya, nais niya itong ipamahagi sa mga benepisyaryo nito sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.
Sa pagpapatupad aniya ng land reform, sinabi ng Pangulo na ang government lands ay hindi na mabibili ng private entities.
Pero nilinaw ng Pangulo na exempted sa public land distribution ang mga kampo ng militar at iba pang property na kailangan ng pamahalaan.
Binigyang linaw din ng Pangulo na hindi siya galit sa mga mayayaman pero iniisip lamang niya ang kapakanan ng mga tao.
Sa ilalim ng Duterte administration, nasa 60,000 ektaryang lupa na ang isinailalim sa land reform.