Naghayag ng kahandaan ang ilang pribadong kumpanya sa pamahalaan na tutulong sila para matiyak ang sapat na supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., tiwala siyang malalampasan ng Pilipinas ang pandemya dahil nagtutulungan ang private at public sector.
Ang mga service providers at pharmaceutical companies ay bumili ng $15,000 mobile freezer na kayang magtago ng libu-libong doses ng bakuna.
Ang business tycoon na si Enrique Razon ay bibili ng Moderna vaccine mula sa Spain.
Bubuo rin ng synchronization matrix para sa roll out ng mga bakuna.
Kaugnay nito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nakikipag-ugnayan na rin sila sa third party logistics providers.
Facebook Comments