Private Hospitals Association of the Philippines, nanawagan na pabalikin na sa mga probinsya ang mga nurse na ipinadala sa NCR Plus

Nanawagan ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) na kung pwedeng pabalikin na sa mga lalawigan ang mga medical workers na ipinadala sa NCR Plus noong mga nakalipas na buwan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PHAPi President Dr. Jose Rene De Grano na ilang mga probinsiya ngayon ang namomroblema sa kakulangan ng healthcare workers at mga oxygen supply kasabay ng pagtaas ng kaso sa iba’t ibang lalawigan.

Samantala, maraming ospital pa rin aniya ang nagrereklamo dahil hindi pa sila nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa COVID-19 reimbursement claims.


Ayon kay De Grano, tinatayang aabot sa ₱20 billion ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital mula noong nakaraang taon.

Facebook Comments