Nanindigan ang Land Transportation Office (LTO) na importante ang motor vehicle inspection centers (PMVICs) para malaman ang roadworthiness ng mga sasakyan sa bansa.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, dapat maipagpatuloy ito para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Ang lahat ng sasakyan ay dapat dumaan sa roadworthiness checks sa registration o renewal ng kanilang mga papel.
Hindi lamang emission ang sinusubok sa proseso kundi ang mga seatbelts, brakes, headlights at iba pa.
Punto pa ni Galvante, niluwagan na ng transport regulators ang guidelines para sa motor vehicle registration,
Sa ilalim ng PMVIC, mayroong inspection fee na ₱1,800 para sa mga sasakyan na may bigat na 4,500 kilograms o mababa pa, habang ₱600 ang fee para sa motorsiklo at tricycle.
Mayroon namang reinspection fee na ₱900 na ikokolekta sakaling bumagsak ang sasakyan sa initial inspection habang ₱300 para sa motorsiklo at tricycles.