Private school teachers, pinatutulungan sa pamamagitan ng paggamit sa Special Education Fund (SEF)

Ipinapagamit ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Special Education Fund (SEF) ng mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga guro sa pribadong paaralan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Rodriguez ang mungkahi sa pagtalakay ng House committee on Higher Education sa panukalang palawigin ang paggamit ng SEF.

Nangangamba ang ilang kongresista na kasapi ng komite dahil ang nakasaad sa batas ay hindi dapat gamitin ang public funds para sa private purposes.


Ngunit para sa kongresista, dapat isama sa panukala ang pagtulong sa mga guro mula sa pribadong sektor dahil may kapangyarihan naman ang Kongreso na magdesisyon kung ano ang makabubuti sa bansa.

Sinabi ni Rodriguez, na ang mga estudyante sa pribadong paaralan ang tutulungan sa hakbang na ito.

Wala rin aniyang masama kung ang mungkahing financial aid sa mga guro ay ituring na tulong sa private schools dahil inaalalayan din naman ng gobyerno ang mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang programa gaya ng GASTPE o Government Assistance to Students and Teachers in Private Education.

Facebook Comments