Private schools, kailangang bigyan ng ayuda dahil sa mababang enrollment

Muling binigyang diin ni Committee on Basic Education Chairman Senator Win Gatchalian ang kahalagahan ng suporta ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan.

Ayon kay Gatchalian, ito ay dahil wala pang dalawampu’t limang porsyento sa mahigit apat na milyong nag-enroll noong nakaraang taon ang nagpa-enroll para sa pagbubukas ng klase sa Agosto.

Binanggit ni Gatchalian na mahigit tatlong daang libong mag-aaral din mula sa mga pribadong paaralan, state at local universities and colleges ang lumipat sa mga pampublikong paaralan.


Kaya naman ayon kay Gatchalian, prayoridad ang pagpasa sa Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 na nagkakaloob ng ayuda sa mga guro at kawani ng mga pribadong paaralan.

Nagbibigay rin ito ng tulong pati sa mga mag-aaral na nangangailangan ngunit hindi bahagi sa mga kasalukuyang programa ng pamahalaan.

Bukod dito ay iginiit din ni Gatchalian na dapat ipagpatuloy ang pagpapamahagi ng ayuda sa ilalim ng mga programang tulad ng Senior High School Voucher Program at Education Service Contracting.

Facebook Comments