Saturday, February 28, 2026

Private Sector Advisory Council, pinulong ni PBBM para sa mga reporma

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council upang talakayin ang mga reporma at priority programs ng pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa pinag-usapan ang digitalization ng PhilHealth para palakasin ang universal healthcare, pagpapabilis ng modernisasyon ng mga paliparan para umunlad ang mga probinsiya, at pagbawas sa pag-asa sa imported na binhi upang mapatatag ang seguridad sa pagkain.

Ilan aniya ito sa mga rekomendasyon ng pribadong sektor na tinalakay kasama ang pangulo.

Binigyang-diin din niya na mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang mapabuti ang serbisyo at mapaangat ang ekonomiya, at ngayon aniya ang panahon ng kooperasyon, hindi pamumulitika.

Facebook Comments