Private sector, bukas sa hirit ng DepEd na i-hire ang mga K-12 graduates

Walang problema sa sektor ng mga negosyante sa hirit ng Department of Education (DepEd) na i-hire o tanggapin sa trabaho ang mga graduate ng K-12.

Ito ang inihayag ni Joey Concepcion, Go Negosyo Founder bilang tugon sa panawagan ng DepEd na bigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay ang mga nagtapos sa K-12 program na hindi na makapagpatuloy ng kolehiyo.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na kung kuwalipikado ang isang K-12 graduate sa kuwalipikasyon para sa trabaho ay wala silang nakikitang dahilan para hindi ito tanggapin.


Pero, nilinaw ng negosyante na hindi nila puwedeng diktahan ang private sector na mag-hire ng K-12 graduates kung hindi naman kuwalipikado ang mga ito sa mga pamantayan na hinahanap ng mga employer.

Isa aniya sa tinitingnan ng mga negosyante sa pagtanggap ng mga aplikante ay ang skills o kakayahan ng mga ito bago pagpasyahan o hindi ang pagtanggap sa K-12 graduates.

Facebook Comments