Private sector, pinag-i-invest ng isang senador sa turismo

Hinikayat ni Senator Migz Zubiri ang mga pribadong sektor na subukang mamuhunan sa larangan ng turismo.

Naniniwala si Zubiri na malaki ang maitutulong ng pag-iinvest ng private sector sa turismo para maging competitive ang Pilipinas sa Southeast Asia.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs, lumabas ang matinding epekto sa sektor ng turismo partikular sa kakulangan ng mga imprastraktura, brownout, at kakulangan ng suplay ng tubig.


Sinabi ni Zubiri na bagama’t mas magaganda ang mga beach at tanawin sa Pilipinas kumpara sa ating mga kapitbahay sa Southeast Asia, natatalo naman tayo pagdating sa airport, suplay ng kuryente, public transport at internet connectivity.

Sa tala noong 2023, nanguna ang Thailand sa may pinakamaraming foreign tourists na aabot sa 28 million, sinundan ng Malaysia na 20 million, Singapore na 13.6 million, Vietnam na may 12.6 million, Indonesia na may 11.7 million, Cambodia na may 5.5 million at huli ang Pilipinas na mayroon lamang 5.4 million foreign visitors.

Facebook Comments