PRIVILEGE | Mga active military personnel ng MRT-3, libreng sakay na sa MRT-3 simula bukas

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit line 3 (MRT 3) sa mga aktibong Military personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Department Of Transportation (DOTr), mayroon Memorandum of Agreement (MOA) kung saan mabibigyan ang mga military personnel ng free trips sa MRT-3 simula bukas, April 25.

Ma-a-avail ang libreng sakay kapag ipinakita nila ang kanilang AFP ID.


Magtatagal ang libreng serbisyo ng hanggang isang taon.

Nakatakdang pirmahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade at AFP Civil Relations Service Commander, Brigade general Bienvenido Datuin Jr. ang memorandum of agreement.

Facebook Comments