PRO 1 CDM CONTINGENT, PINARANGALAN SA PAGBALIK MULA SA MATAGUMPAY NA DEPLOYMENT SA INC PEACE RALLY

Pinarangalan ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang kanilang Civil Disturbance Management (CDM) Contingent matapos ang matagumpay na tatlong araw na deployment sa Maynila para sa Iglesia ni Cristo Peace Rally.

Pinangunahan ni PBGEN Dindo R. Reyes ang pagsalubong kahapon, Nobyembre 19, kasama ang Command Group at mga Provincial Director.

Kinilala ang disiplina at propesyonalismong ipinamalas ng contingent sa pamamahala ng seguridad sa malaking pagtitipon.

Ayon kay PBGEN Reyes, napatunayan ng grupo na ang kapayapaan ay naipapanatili sa maayos at propesyonal na pagtupad ng tungkulin.

Samantala, lalo pang pinatitibay ng PNP ang preparasyon para sa Trillion Peso March sa Nobyembre 30.

Ayon kay Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., nananatiling nakahanda ang mga pulis at paiiralin ang maximum tolerance para sa mga mapayapang lalahok at zero tolerance laban sa karahasan at ilegal na gawain.

Kabilang sa mga paghahanda ang pre-deployment sa strategic areas, standby medical teams, intelligence monitoring, at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments