PRO 1, NAGSAGAWA NG COMMAND CONFERENCE PARA SA SEGURIDAD SA PAGDIRIWANG NG PASKO

Matagumpay na nagtapos ang Police Regional Office 1 (PRO 1) ng kanilang Command Conference na ginanap ngayong umaga sa Camp Florendo, Parian, San Fernando City, La Union, sa pangunguna ng Regional Director na si PBGEN Dindo R. Reyes.

Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ni PBGEN Reyes ang mahahalagang direktiba na ibinahagi ni PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., Acting Chief ng Philippine National Police (PNP), na kanyang inilahad sa ginanap na PNP Command Conference sa Camp Crame noong Disyembre 18, 2025.

Tinalakay sa kumperensya ang mga pangunahing usaping operasyonal at administratibo, kabilang ang mga paghahanda sa seguridad para sa paparating na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Sinuri rin ang kasalukuyang mga hamon sa peace and order situation sa rehiyon, inihanay ang mga prayoridad sa operasyon, at nagbigay ng estratehikong gabay upang matiyak ang patuloy na pagiging epektibo ng mga operasyon laban sa kriminalidad sa buong Rehiyon 1.

Pinagtibay ng PRO 1 ang kanilang pangako na patuloy na maglingkod at magpatupad ng mga programang magpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mamamayan, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments