June 20, 2018 nang ilunsad ng Police Regional Office 12 ang kauna-unahang “Pulis Natin” caravan sa General Santos City.
Ayon kay PRO 12- Dir. PCSupt Marcelo C Morales, pakay nila na mailapit sa komunidad ang mga serbisyo na para sa mga ito, bawat serbisyo na inialok nila ay malaking bagay sa mamamayan upang matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan na PNP ang makakatugon.
Ilan lamang sa mga serbisyong inialok ng PRO-12 sa caravan ay pagtugon sa reklamo ng publiko, pagbibigay ng motor Vehicle Clearances and Verification; pagproseso ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF); Firearms Registration; Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR);.
Tumugon din sila sa Women’s and Children’s Concerns; Human Rights concerns; Cyber Crime Complaints, mayroon ding Free Legal Advice; PNP Recruitment; SAF Recruitment; Pagtugon sa issues and concerns hinggil sa PNP Retirement benefits at marami pang iba.
PRO 12, inilunsad ang kauna-unahang “Pulis Natin” Caravan!
Facebook Comments