Sa pamamagitan ito ng pamamahagi ng Hygiene and First Aid Kits bilang bahagi ng selebrasyon ng 23rd Police Community Relations Month na may temang “Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Mamamayan, Hatid ay Kaunlaran”.
Ang pamamahagi ng Hygiene and First Aid Kits ay pinangangasiwaan ng PRO 12-Police Community Relation (PCR) Division.
Sinabi ni PRO 12- Regional Director PCSupt Marcelo C Morales, bilang tagapagtanggol ng mamamayan laban sa ano mang klaseng masamang elemento sa lipunang, ginagawa nila ang lahat ng makakaya para sa kapakanan, seguridad, katahimikan at kapayapaan ng buong komunidad.
Anya pa, sa pagdiriwang ng PCR month at sa pagbubukas ng klase ngayong taon, higit lalo nilanng pina-iigting ang pagbabantay sa mga kabataan na mailayo sila sa anumang kapahamakan lalong lalo na sa masamang epekto ng illegal na droga.
Maliban sa pamamahagi ng medical kits, ang Regional Health Service 12 ay nag-lecture din sa mga batang mag-aaral hinggil sa proper hygiene.
PRO 12, pinalalaganap ang Human Health!
Facebook Comments