PRO-2 Director Mario Espino, Ipinag utos ang ‘Manhunt Operation’ sa pamamaril kay Kapitan Gannaban!

Province of Cagayan- Ipinag utos ni Regional Director PBGen. Mario Espino ng Police Regional Office No. 2 ang agarang pagtugis sa mga salarin sa nangyaring insidente ng pamamaril kay Brgy. Chairman Orlino Gannaban ng Brgy. Lallayug sa Bayan ng Tuao, Cagayan ngayong araw.

Sa ipinalabas na kalatas ng PRO-2, ipinag utos ngayon ang masusing imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ng riding-in-tandem sa biktima kahapon pasado 3:30, May 27,2019

Magugunita na habang nakaupo sa kanyang motorsiklo at pauwi na sana sa kanyang bahay ang biktima angkas ang isang tanod ng pagbabarilin ito ng hindi pa matukoy na gunman na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan. Maswerte namang nakaligtas ang angkas nito na si Espidio Zingabo na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at patuloy na ginagamot sa hospital.


Inatasan din niya ang provincial director na lutasin sa lalong madaling panahon ang nasabing krimen.

Isa sa mga tinitignang anggulo ay usaping pulitika matapos tumakbo sa pagkakonsehal ng Bayan ng Tuao at matinding kritiko ng kasalukuyang administrasyon.


Facebook Comments