PRO 4A, may bago nang regional director

Umupo na si Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 4A.

Isinagawa ang assumption ceremony sa Camp Brigadier General Vicente Lim sa Calamba City, Laguna sa pangunguna ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kahapon.

Si Lucas ang pumalit kay Police Brigadier General Carlito Gaces na tagapangalaga ng seguridad ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon o CALABARZON.


Sa kanyang mensahe, inilatag ni Lucas ang magiging direksyon ng kanyang liderato kabilang ang pagpapabuti sa public safety and security; professional development; at community engagement.

Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang misyon ng Pambansang Pulisya; titiyakin ang kapayapaan at kaayusan; at pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga komunidad sa rehiyon.

Bago maitalaga sa pwesto, si Lucas ay nagsilbing pinuno ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO).

Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Patnubay” Class of 1995.

Facebook Comments