PRO ARMM Nasa FULL Alert Status

Patuloy na nakaalerto ang pamunuan ng PNP ARMM kasabay ng banta ng terorismo sa buong isla ng MINDANAO.
Kaugnay nito mas pinatindi pa ang checkpoint ng PNP sa lahat ng sulok sa lahat ng bayan ayon pakay CSUPT Graciano Mijares sa panayam ng DXMY
Kabilang sa mga pinatutukan ng PNP ARMM ang mga labas masok na mga residente sa SPMS BOX sa Maguindanao na kilalang balwarte ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Patuloy rin ang apela ng PRO ARMM sa publiko na lalo pang maging vigilant.

Facebook Comments